August 21, 2008

Goodbye Lolo

Kahapon nilibing na ang minamahal kong lolo..

Pero nakakasad.. Katulad na lang ngayon kapag nakaupo ako dito sa harapan ng pc ko at lumingon ako sa kanan ko, makikita ko na sia agad nakaupo sa kama nia kung nakabukas ng kwarto nia..

Pero ngayon wala na... wala na tlaga.. nakakalungkot isipin na hanggang alaala na lang...

95 years old na sia.. sadyang oras na nia nun nanghihingalo na sia... Pero akala tlaga namin makakaperfect score sia... aabot pa sa 100... hanggang akala lang pala talaga yon....

Last tuesday nagkaroon ng program dito sa amin para sa lolo ko... isa ako sa nag share kung ano ka as lolo...

ang sarap i share sa lahat kung gaano ako kaswerte na siya ang lolo ko... nakaka proud.. sinabi ko kung gaano sia da best na lolo... for 21 years na kasama ko sia sadyang mabubuti ang nakikita ko sa kanya.. hindi nia ako tinuruan ng masamang asal.. 21 years nia ako minahal at inalagaan kaya nga ako daw ang favorite.. andyan sia sa lahat ng kasayahan ko.. nakinig lang sia nun ikinuwento ko ang first heartbreak ko.. kasalo ko sia sa lahat ng tagumpay at hirap... proud ako na sabihin kung anong klase kang tao...

naalala ko last year, nag wish sia sa akin na bigyan ko sia ng apo.. pero sabi ko may 5 years pa ako pra ibigay sa kanya un...

sia ang tagapagtanggol ko kapag inaaway ako ni mama.. kahit ko pa ang mali...

hinihintay nia ako makauwi sa bahay bago sia m2log...

mas gusto niya ang dala ko every sweldo kesa sa mga pinsan ko... hinihintay tlaga nia un...

sia ang naghahatid sa akin nun grade school ako gamit ang tri-bike na dumadaan sa lubak lubak na daan...

andaming alaala na sarap alalahanin...

sabi nila... ikaw un butterfly na nakikinig habang inaalala namin kung gaano ka kadakila at kamahal namin...

maswerte ako na sia ang lolo ko.. maswerte ako na nakasama ko sia paglaki... makikita mo pa lang sa mama ko, sa mga tito at tita ko kung gaano sia kabuting ama.. dati mahirap lang sila.. at lahat sila ay may maayos na buhay..

ang sarap pakinggan na habang nagpapaalam ang mga pinsan at mga tito at tita ko ay puro SALAMAT.. sobrang sarap... na sobrang andami niang naibigay at naitulong sa aming lahat..

pero sobrang sakit na wala ka na dito.. wala na akong kukulitin..

Lo.. salamat.. ur da best LOLO... hands off ako sa kadakilaan mo... sana masaya ka na mamemeet mo na si lola after 13 years.. Salamat ng sobra... sobrang grateful na sa'yo ako lumaki.. salamat sa pangaral.. at sa lahat... till we met again..

Labels: , ,

i remember you 9:19 PM
0 kisses.